Mahigit P1.6-Trillion na remittance ng OFWs kada taon, kinumpirma ng DOLE

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mahigit 1.6-trillion pesos kada taon ang remittances na inuuwi ng OFWs kada taon.

Bilang pagbabalik sa kontribusyon ng OFWs sa ekonomiya ng bansa, walong daang OFWs mula Singapore at Saudi Arabia na dumating sa NAIA 1 ang pinagkalooban ng regalo ng DOLE at OWWA.

Ang naturang OFWs ay pawang nabigyan ng bakasyon ng kanilang mga employer para makasama ang kanilang pamilya ngayong Bagong Taon.


Ayon naman kay Owwa Administrator Hanz Leo Cacdac ,bukod sa grocery items 25 OFWs mula singapore at Riyadh ang napili ng ahensya na pagkalooban 10,000 pesos cash.

Nilinaw naman ni Cacdac hindi sasagutin ng OWWA ang travel expenses ng OFWs pauwi sa kanilang mga lalawigan dahil hindi naman sila mga distressed OFWs.

Facebook Comments