Umabot sa mahigit P1.7 milyon ang nakolektang kita ng Office of the Market Supervisor sa bayan ng Mangaldan para sa buwan ng Setyembre 2025, dahilan upang hirangin itong “Top-Notch Collector” ng lokal na pamahalaan.
Batay sa ulat na inilabas matapos ang flag ceremony nitong Oktubre 6, nakapagtala ang naturang tanggapan ng kabuuang P1,786,118.47, ang pinakamataas na revenue collection sa lahat ng opisina sa munisipyo.
Pumangalawa naman ang Office of the Municipal Engineer and Building Official na nakapagtala ng P590,516.85 na koleksyon.
Ayon kay Mayor, higit P500,000 ang itinaas ng koleksyon ng Market Supervisor’s Office kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon, indikasyon aniya ng mas maayos na pamamahala sa pamilihan at patuloy na paglago ng kalakalan sa bayan.
Samantala, inaasahang ilalabas pa ng lokal na pamahalaan ang mga ulat ng koleksyon mula sa iba pang tanggapan sa mga susunod na araw bilang bahagi ng regular na financial transparency report.









