Cauayan City, Isabela- Aabot sa mahigit P1.7-M ang halaga ng tanim na marijuana na sinira ng mga awtoridad sa kanilang operasyon sa ilalim ng OPLAN Uno Burnie sa Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga nitong January 13 – 14, 2022.
Una rito, nadiskubre ng mga alagad ng batas ang nasa 1,100 square meters na sukat na lupain na may tanim na 8,800 fully grown marijuana.
Ayon kay Kalinga PPO Acting Provincial Director PCol. Peter Tagtag Jr., bahagi ng pagsasagawa ng anti-illegal drug operation ang marijuana eradication sa lalawigan na kabilang sa prayoridad at regular na aktibidad ng Kalinga Police Provincial Office alinsunod sa pagsisikap ng gobyerno na sugpuin ang supply ng ilegal na droga.
Hinimok pa ng opisyal ang mga residente na tumulong sa pulisya sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa pagkakaroon ng iba pang plantasyon ng marijuana.
Facebook Comments