Mahigit P1 milyong financial assistance sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng Bagyong Karding, naibigay na ng DA; P30 bilyong ayuda, naipamahagi ng DBM sa unang 100 araw ni PBBM

Naipamahagi na ng Department of Agriculture (DA) ang mahigit isang milyong pisong halaga ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Karding sa bayan ng Polillo, Quezon.

Ayon kay Officer-in-Charge (OIC) Regional Executive Director Milo delos Reyes, walang humpay pa ang binibigay na tulong ng DA upang matiyak ang produksyon ng pagkain sa bansa.

Kabilang aniya sa mga naipamahagi ang binhi ng gulay at mais, pataba, soil conditioner, veterinary drugs, materyales na kailangan sa mga nasirang bangka at iba pang mga kagamitan.


Nagmula ang naturang pondo sa rice program, high value crops, corn, livestock ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Samantala, aabot na sa halos P30 bilyon na halaga ng tulong ang naipagkaloob ng Department of Budget and Management (DBM) sa iba’t ibang benepisyaryo sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa DBM, kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang mga magsasakang naapektuhan ng Rice Tariffication Law (RTL), mga vulnerable households na apektado ng inflation, mga individuals in crisis situation at maging mga biktima ng bagyo at lindol.

Dagdag pa ng ahensya, naglabas din sila ng pondo para sa libreng sakay para sa mga commuter ng EDSA Bus Carousel, gayundin ang eligible public at private healthcare at non-healthcare workers na bahagi ng COVID-19 healthcare response.

Facebook Comments