Bail hearing ni dating Sen. De Lima sa Muntinlupa RTC, na-postpone matapos itong ma-expose kay DILG Sec. Benhur Abalos

Ipinagpaliban ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang pagdinig kanina sa mosyon ni dating Sen. Leila de Lima na makapagpiyansa sa kanyang drug case.

Ito ay matapos na ma-expose kahapon si De Lima kay DILG Sec. Benhur Abalos na nagpositibo sa COVID-19.

Ang dating senadora ay dinalaw kasi kahapon ni Abalos sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center matapos itong ma-hostage ng kapwa inmate.


Bunga nito, bumalik na lamang si De Lima sa PNP General Hospital.

Nagtipon-tipon naman sa labas ng Muntinlupa RTC ang supporters ni De Lima para hilingin ang pagpapalaya sa dating mambabatas.

Facebook Comments