Mahigit P100 milyon, kakailanganin sa pagkukumpuni sa mga paaralang sinira ng Bagyong Karding – DepEd

Aabot sa P112 milyong pondo ang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) para sa pagpapaayos ng mga nasirang paaralan dahil sa Bagyong Karding.

Batay sa preliminary assessment ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), hindi bababa sa 20 paaralan ang nagtamo ng pinsala sa imprastraktura.

Ang mga naturang paaralan ay matatagpuan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR).


Habang, nasa 107 school divisions sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, National Capital Region at Cordillera Administrative Region ang naapektuhan din dulot ng Bagyong Karding.

Samantala, kabuuang 327 na mga paaralan din ang ginamit bilang mga evacuation center, kung saan 259 sa mga ito ay kasalukuyang ginagamit pa.

Facebook Comments