Friday, April 10, 2026

Mahigit P101.5-M halaga ng shabu, nasabat sa hiwalay na operasyon sa Parañaque at Leyte; 6 arestado

Nasabat ng Philippine National Police (PNP), sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang mahigit P101.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Parañaque City at Leyte.

Sa Parañaque City, naaresto si alyas “Bossing,” 35-anyos, kasama ang apat pang suspek na itinuturing na high-value individuals.

Nakumpiska sa kanila ang mahigit 13 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng higit P91 milyon, bukod pa sa mga baril, ammunition, pera, at iba pang non-drug evidence.

Samantala sa Leyte, naaresto ang isang 45-anyos na suspek na nakalista bilang number 3 sa regional priority target list.

Nasamsam sa kanya ang mahigit 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P10.5 milyon, kasama ang buy-bust money at iba pang ebidensya.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments