Mahigit P11-M tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Betty

Umabot na sa P11.2 million na halaga ng tulong ang naipaabot ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Betty.

Ang ayuda ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mga lokal na pamahalaan at Office of Civil Defense (OCD).

Kasama sa mga tulong na ibinigay sa mga naapektuhan ng bagyo ang family food packs, hygiene kits, tubig, shelter packages at tents at iba pa.


May ilan ding nabigyan ng financial assistance lalo na sa mga labis na naapektuhan.

Samantala, pinasalamatan naman ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang lahat ng kanilang member-agencies, kasama na ang regional DRRM councils, LGUs at partner organizations dahil agad napaghandaan ang bagyo at hindi ganoon katindi ang pinsala nito.

Umaasa ang NDRRMC na kaparehong paghahanda rin ang isasagawa ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan ngayong may paparating na Bagyong Chedeng.

Facebook Comments