Ang Small Water Impounding Project ay pinondohan sa ilalim ng Rice Program na may 58 ektaryang service area.
Ito ay ipinasakamay sa Bitnong-Guijo Small Water Irrigation System Association sa nasabing bayan kung saan pakikinabangan ito ng nasa 45 na mga magsasaka.
Bukod dito, nakatanggap naman ang New Gumiad Farmers Association ng dalawang yunit na Spring Development Irrigation System na nagkakahalaga ng P1.79M sa ilalim ng pondo ng High Value Crops Program.
Sa mensahe naman ni Regional Technical Director Roberto Busania na siyang kumatawan kay Regional Executive Director Narciso Edillo, ipinaalala nito sa mga magsasaka ang kahalagahan ng patubig at kung ano ang mga responsibilidad ng asosasyon maging ang pamahalaang lokal para sa pangangalaga sa nasabing proyekto na ipinagkaloob sa kanila.
Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Cayton sa mga tulong na ibinigay ng Kagawaran at umaasa ang Alkalde sampu ng kanyang mga nasasakupan sa patuloy na pagbibigay tulong para sa mga magsasaka ng Dupax del Norte.