PRRD, sumunod lang sa payo ng mga doktor hinggil sa pagtanggap ng Sinopharm bilang booster shot

301

Ipinayo ng doktor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatuturok nito ng Sinopharm COVID-19 vaccine bilang booster shot.

Pahayag ito ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles nang tanungin kung bakit Sinopharm ang brand ng bakuna na ibinigay sa pangulo gayung wala pang mga datos na available kaugnay sa kung ano ang maaaring ipareha na booster brand sa primary series ng bakunang ito.

Ayon sa kalihim, nasa pagitan na ito ni Pangulong Duterte at ng kaniyang doktor, lalo’t sumusunod lamang ang pangulo sa payo ng kaniyang doktor.


Matatandaan na ang unang dose ng Sinopharm COVID-19 vaccine ay natanggap ng pangulo noong May 3, 2021, habang ang ikalawang dose naman ay noong July 12, 2021.

Facebook Comments