Mahigit P14-M halaga ng party drugs, nakumpiska sa QC

133

Quezon City – Mahigit P14 million halaga ng party drugs ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang condominium sa Barangay Loyola Heights sa Quezon City.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar, naaresto ng pwersa ng kanilang regional district enforcement unit ang suspek na si Evette Tividad.


Narekober mula sa suspek ang mga nakasupot na tableta ng ecstasy tablet at mga marijuana na nasa selyadong bote.

Napag-alaman na sangkot din si Tividad sa bentahan ng ecstasy tablets, liquid ecstasy at high grade marijuana na “kush”.

Facebook Comments