Pasahero ng LRT, huli dahil sa bomb joke

87

Pasay City – Kalaboso ang isang lalaki matapos magbirong mayroong dalang bomba ang kapwa niya pasahero sa LRT line 1 sa Pasay City.

Iniinspeksyon noon ng guwardya ang bag ng pasaherong si Akbar Ismael sa Gil Puyat Station nang sabihin nitong mayroong bomba ang bag ng lalaki sa kaniyang harapan.


Dahil dito, agad inaresto si Ismael matapos magdulot ng takot ang bomb joke nito.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree no. 1727, na may katumbas na multa at pagkakakulong ng hanggang limang taon.

Facebook Comments