Mga residente ng Makati City, maaaring makakuha ng libreng flu at pneumonia vaccine

Inihayag ni Makati City Mayor Abby Binay na pwede nang mag-avail ang mga taga-Makati ng libreng bakuna para sa flu at pneumonia.

Ayon kay Binay, ito ay para lamang sa mga Makatizen na Yelow at Blue card holder.

Aniya, upang mapasama sa kanilang listahan, maaaring bisitahin ang kanilang website na www.proudmakatizen.com.


At para naman sa karagdagang impormasyon maaari ring bisitahin ang kanilang official Facebook account na My Makati.

Samantala, ngayong araw, ang Makati City ay mayroon ng 2,002 na confirmed cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Mula sa nasabing bilang, 128 nito ay mga nasawi at 939 naman ay mga gumaling na.

Subalit, nasa 935 pa rin ang kabuuang bilang ng mga active cases sa lungsod.

Facebook Comments