Mahigit P153-M, ipinagkaloob ng DA bilang relief assistance sa hog raisers na apektado ng ASF sa CALABARZON

Nagpalabas ng P153.5 milyon ang Department of Agriculture (DA) bilang kabayaran sa mga hog raiser na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Laguna at CALABARZON areas.

Bukod pa rito, ang mga ibinigay na alternative livelihoods ng DA tulad ng livestock modules na kinabibilangan ng cattle, goats, poultry at mushrooms productions packages.

Ginawa ito ng DA upang magkaroon sila ng ibang pagkakakitaan habang nananatili pa ang pamemerwisyo ng ASF.


Ayon kay DA Region 4-CALABARZON Regional Director Arnel De Mesa, may kabuuan ng 240 baboy ang isinailalim sa depopulation o culling sa backyard farms sa Calamba City, Calauan, Los Baños, Pangil at Sta. Cruz hanggang noong September 4.

Samantala, ipinag-utos na rin ni Agriculture Secretary William Dar sa DA-CALABARZON ang pag-isyu ng ASF-free certificate sa mga lungsod, munisipalidad at farms na hindi infected ng virus.

Facebook Comments