Mahigit P160-K na halaga ng umano’y shabu nasabat sa Taguig City sa ginawang buy-bust operation

67

Nasamsam ng mga otoridad ang mahigit P160,000 na halaga ng umano’y shabu, matapos salakayin ang isang bahay sa Brgy. Central Bicutan, lungsod ng Pasig pasado alas-9:40 kagabi.

Nakilala ang suspek na magkapatid na sina Ramel Fernandez Enoc, 40-anyos at Joel Fernandez Enoc, 36-anyos.


Nakuha mula sa kanila ang 33.85 grams na umano’y shabu na may katumbas ba halagang P162,180 at ang P200 na ginamit bilang buy-bust money.

Napag-alam ng Taguig City Police na nagtutulak at nagpapasok ng iligal na droga ang magkapatid sa lungsod.

Kaya naman agad na isinigawa ang operasyon laban sa magkapatid dahilan para mahuli ang mga ito.

Nakakulong na ang mga suspek sa Taguig City Police Station Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments