Mahigit P185 billion na ang nakolektang buwis ng pamahalaan mula sa tobacco products.
Sa presentasyon ni Atty. Beverly Milo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa report sa tobacco products, hanggang nitong October 2021 ay umabot sa P185.735 billion ang tax collection sa cigarettes, HTP, cigar, vape at iba pang tobacco products.
Inaasahang mas tataas pa ito sa P190.332 billion na nakolektang buwis noong 2020.
Hindi naman kuntento si Ways and Means Chairman Joey Salceda at Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing sa naging paliwanag ng BIR sa bilang ng mga raids na isinagawa sa iligal na tobacco products.
Sa 2021 kasi ay lima pa lang ang naisasagawang raids sa mga illicit cigarette trade.
Paliwanag ng BIR, kulang sila sa availability ng tao pero nag-o-organisa na sila ng mga team para masawata ang mga illicit cigarette products.