Cauayan City, Isabela- Umaabot sa mahigit P2 milyon na halaga ng tanim na marijuana ang sinira at sinunog ng mga kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit (DEU), Provincial Intelligence Unit (PIU) – Kalinga Police Provincial Office, Tabuk CPS, Rizal MPS, RIU 14, 1st & 2nd KPMFC, 1503rd MC RMFB, RID/RDEU/RSOG, 141 SAC PNP SAF, Quezon MPS, RIU 2, and agents of Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga and Batanes, at Naval Forces Northern Luzon sa Lacnog, Tabuk City, Kalinga kahapon, May 13, 2022.
Alinsunod ito sa PNP OPLAN Rosas at PDEA OPLAN The Mohan ang ginawang pagsira sa dalawang plantasyon ng marijuana sa Sitio Nabuluan.
Tinatayang nasa 11,000 fully grown marijuana plants ang nakatanim sa lupaing may lawak na 600 square meters ang sinira.
Wala namang nahuling indibidwal na posibleng may-ari ng malawak na taniman kung saan nadiskubre ang marijuana.
Facebook Comments