Mahigit P2-M na halaga ng Marijuana, Sinira sa Tinglayan, Kalinga

Cauayan City, Isabela-Aabot sa mahigit P2-milyon na halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Tinglayan, Kalinga kahapon, Setyembre 16, 2021.

Magkatuwang na pinagsisira ang plantasyon ng marijuana sa lugar ng pwersa ng Tinglayan Police Station, Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit (PIU/DEU) – Kalinga Police Provincial Office, at 2nd KPFMC sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga.

Kasabay ito ng kahilingang malinis mula sa iligal na droga ang mga apektadong barangay partikular sa Brgy. Buscalan ng ipatupad ang OPLAN 04 NAGANUS sa isinagawang operasyon sa bulubunduking bahagi ng Sitio Supak, Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga.


Ayon sa report ng Kalinga Police, tinatayang nasa 1,200 square meters ang lawak ng lupain na humigit kumulang 11,000 piraso ng fully grown marijuana ang nakatanim.

Wala namang magsasaka o cultivator ang nadakip sa ginawang operasyon ng mga kinauukulan.

Facebook Comments