Mahigit P2 Milyon halaga ng taniman ng Marijuana, sinira ng mga pulis sa Kibungan, Benguet

Pinagsisira ng mga tauhan ng Cordillera Police ang apat na magkakahiwalay ng taniman ng Marijuana sa Tacadang, Kibungan, Benguet.

Ayon kay Police Brigadier General Rwin Pagkalinawan, Regional Director ng Cordillera Police, aabot sa  2,000 square meters ang lawak ng pinagsama-samang taniman na kanilang natagpuan kahapon sa Sitio Lamangan.

Isa-isang pinagbubunot ang mga tanim na Marijuna.


Ilan sa mga ito ay susunugin habang ang iba naman ay itatabi sa Crime Laboratory.

Tinayayang nasa P2 Milyon ang halaga ng mga sinirang pananim.

Samantala, sa hiwalay naman na operasyon sa Sitio Tabrac, Barangay Anabel, at Sadanga, Mountain Province dalawang suspek ang arestado makaraang makunan ng mahigit apat na kilo ng Marijuana.

Ang mga nahuli ay nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments