Mahigit P21 billion na pondo ng DOH, maaaring i-realign para sa COVID-19 response measures sa 2022

Aabot sa P21.5 billion ang maaaring i-realign ng Department of Health (DOH) sa kanilang sariling pondo sa 2022 upang mapondohan ang critical COVID-19 response measures ng pamahalaan.

Sa plenary deliberations ng budget ng DOH, iprinisinta ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang pag-rationalize sa 2022 budget ng DOH kung saan ipinakita ang mga programa na may mababang utilization rate na maaaring pagkunan o bawasan para mailipat sa COVID-19 response.

Kasama sa maaaring mapondohan sa realignment ng pondo ang para sa COVID-19 booster shots at special risk allowance (SRA) ng mga health care workers.


Iminungkahi ni Quimbo na ang mga programa ng DOH na may mas mababa pa sa 50% ang utilization rate ay maaaring ipako sa 80% ng panukalang budget, habang ang mga programa na may 50% hanggang 70% utilization rate ay maaaring 90% ng 2022 National Expenditure Program (NEP) ang kunin, samantalang ang mga may “good performance” o higit pa sa 70% ang utilization rate ay maaaring i-retain ang proposed na 2022 budget.

Giit ni Quimbo, bago maisipang bawasan ng pondo ang ibang ahensya para sa pantugon sa pandemya ay sa sarili munang bakuran ng DOH gawin ang realignment ng pondo para sa COVID-19 measures dahil batid naman na hindi lahat ng pondo sa mga programa ay mauubos o magagamit lahat.

Facebook Comments