Mahigit P23 million halaga ng ecstasy na idineklarang kape at laruan, nadiskubre sa isang warehouse sa Pasay City

Libu-libong halaga ng ecstasy tablets ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Central Mail Exchange Center Warehouse sa Pasay City

Ayon sa Customs, pitong packages na naglalaman ng kabuuang 13, 824 na tabletas ng ectasy ang nadiskubre nila sa naturang warehouse na tinatayang nagkakahalaga ng P23.5 million.

Nabatid na galing ang shipment sa Netherlands at Belgium na idineklarang iba’t ibang uri ng kape at mga laruan ng bata.


Magkakaiba rin ang consignees ng naturang mga parcels.

Nadikubre ang mga ecstasy dahil sa kaduda-dudang timbang ng mga ito gamit ang modus operandi na pag-smuggle ng iligal na droga sa pamamagitan ng “coffee beans”.

Nai-turnover na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naturang mga kontrabando para sa profiling at case build-up at sa paghahain ng kaso laban sa mga nasa likod ng naturang shipment.

Facebook Comments