Mahigit P3-M halaga ng ecstasy, nasabat ng NBI sa isinagawang operation sa Baguio City

Umaabot sa P3.031 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa isang residente ng Baguio City.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric Distor ang suspek na si Elisa Agguirre Millare.

Ayon kay OIC Director Distor, nag-ugat ang isinagawang operation matapos na masagap ang isang parcel ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Ang naturang parcel ay may idineklarang laman na bed sheets at mga sapatos pero makaraang masuri bumungad sa kanila ang 1, 783 tablets ng ecstasy o party drugs na tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang P1,300,000.00.

Galing ito sa Germany para sa isang Joyce Annsan Antono ng Rm. 101 Brisle Ridge Residences, Pacdal Rd., Baguio City.

Agad na nagtungo at nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa Baguio City at nahuli ang kumuha ng parcel na si Millare.

Kinasuhan na ang suspek.

Facebook Comments