Pacquiao, bukas sa re-match kay Yordenis Ugas!

Bukas sa rematch ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao kay WBA champion Yordenis Ugas.

Ito ay matapos matalo si Pacman via unanimous decision sa katatapos lamang na laban na ginaganap sa Las Vegas Nevada, USA.

Ayon kay Pacquiao, kinokonsidera niya ang rematch kay Ugas sa darating na Enero 2022 na salungat sa nauna niyang pahayag na hindi siya ulit lalaban matapos ang ikawalong talo sa kaniyang 26 taong boxing career.


Dagdag pa ng Pambasang Kamao, cramping legs ang dahilan ng pagkatalo niya laban sa kasalukuyang WBA champion.

Facebook Comments