Mahigit P30-M tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha sa ilang rehiyon sa bansa

Umaabot na sa kabuuang P30.5 million ang tulong na naibigay ng pamahalaan sa mga kababayan nating naapektuhan ng sama ng panahon kamakailan.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang ayuda ay ipinagkaloob sa mga apektadong residente sa Regions 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5, 6, 8, 10 at 11.

Kabilang sa mga naipamahaging tulong ay ang family food packs, assorted goods, collapsible water container, hot meals, jerry cans, mga gamot at bitamina at maraming iba pa.


Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, nasa kabuuang 106,143 na pamilya o katumbas ng mahigit 438,000 mga indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon mula sa 564 na brgys. sa mga nabanggit na rehiyon.

Facebook Comments