Sibuyas at bawang na dala ng isang pasahero mula China, kinumpiska sa NAIA

Kinumpiska ng Bureau of Plant Industry-Ninoy Aquino International Airport (BPI-NAIA) ang 10 kilo ng sibuyas at 2.5 kgs. na bawang na dala ng isang pasahero mula China.

Ayon sa BPI, dumating sa NAIA terminal 1 ang isang pasaherong American national sakay ng China Airlines flight CI-701 at dala ang naturang agricultural products.

Nadiskubre ang mga sibuyas at bawang nang idaan ito sa x-ray machine ng Bureau of Customs sa arrival area ang bagahe ng pasahero.


Napag-alaman na walang kaukulang permit ang dalang sibuyas at bawang ng pasahero.

Facebook Comments