Mahigit P30,000 cash, nanakaw sa isang estudyante sa Maynila

Manila, Philippines – Aabot sa P36,000 cash na pambayad sana ng matrikula ang nanakaw sa isang estudyante sa Sta. Mesa, lungsod ng Maynila.

Sa kuha ng CCTV, makikitang binuntunan ng lalaking suspek ang estudyanteng si Jocelyn Habitan na may dalang backpack.

Dito na dali-daling dinukot sa bag ng suspek ang gamit at pera ng biktima.


Nang makuha ang pakay, parang walang nangyaring lumayo lang ang magnanakaw at dumaan pa sa himpilan ng barangay.

Ayon kay barangay 626, zone 63 Chairman Rogelio Jamito, mga estudyante ang karamihan sa mga binibiktima ng mga mandurukot sa nasabing lugar.

Ang ibang mandurukot, maayos umano ang bihis at naglalagay pa ng id para hindi mahalata ang kanilang masamang pakay.

Paalala naman ng punong barangay sa mga dumaraan sa naturang lugar, laging maging mapagmatyag at laging ilagay sa harap ang bag.

Facebook Comments