Mahigit P300,000 halaga ng shabu nakumpiska sa apat na hinihinalaang drug pusher sa Cainta, Rizal

Aabot sa P367,200 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Cainta, Rizal Police mula sa apat na hinihinalaang tulak sa iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation.

Kinilala ang mga suspek na sina Marlowe Fernandez, alyas Tubo; Jose Abraham Aberion, alyas Bong; Randolph Raymundo, alyas Randy; at Marlon Bernando, alyas Maricar.

Ayon sa Rizal Police Provincial Office’s Provincial Intelligence Unit and Provincial Drug Enforcement Unit, naaresto ang apat na hinihinalaang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Saint Dominic-2 Javier Street, Barangay Sto. Niño Cainta, Rizal.


Nakumpiska sa apat ang 14 na plastic sachets na naglalamang pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 54 gramo.

Nakapiit na sa Rizal Police Provincial Office Custodial Facility ang apat na suspek habang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments