Nasabat ang mahigit P4.5 milyon na halaga ng iligal na droga sa isang warehouse sa CMEC sa lungsod ng Pasay.
Ayon sa Bureau of Customs at Ninoy Aquino International Airport o NAIA PDEA-IADITG, ang naturang mga kontrabando ay mula sa walong abandonadong parcel mula sa California at Canada.
Nagmula umano sa iba’t ibang sender sa California na naka-consignee sa iba’t ibang indibidwal na nakatira sa Metro Manila, Cavite at San Pedro Laguna.
Pito sa walong parcel ay naglalaman ng cartridge cannabis oil na idineklarang Pokemon cards, NBA cards, trading cards, at jewelry na nagkakahalaga ng aabot sa higit sa P20,160.
Habang ang pang walong parcel ay naglalaman ng 3,232 grams na marijuana o kush na may standard drug price na aabot sa P4,524,800.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino ang mga sangkot sa pagpupuslit ng iligal na droga papasok ng Pilipinas.