Mahigit P40-B pondo ilalaan para sa rehabilitasyon ng Manila Bay

Manila, Philippines – Aabot sa 47 billion pesos ang kakailanganging pondo para sa total rehabilitation ng Manila Bay.

Ito ang isa sa mga natalakay at inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na cabinet meeting kagabi sa Malacañang.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, iprinisinta ni Environment Secretary Roy Cimatu ang proyektong ito kung saan tinalakay ang matagal nang problema sa basura sa Manila Bay.


Aabot naman aniya ng 7 taon ang rehabilitasyon na taon-taon ay paglalaanan ng nararapat na pondo ng Pamahalaan na may kabuoang 47 billion pesos.

Matatandaan na inaprubahan na rin ni Pangulong Duterte ang Pasig River rehabilitation na naglalayong ibalik sa dating sigla at ganda ang Ilog Pasig.

Facebook Comments