Mahigit P5 bilyong halaga ng shabu, nasabat sa Valenzuela City

187

Manila, Philippines – Mahigit P5 bilyong halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs sa isang operasyon sa Valenzuela City.

Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, mahigit 500 kilo ng shabu ang laman ng isang cylinder na binalot ng itim na goma.


Aniya, nagmula mismo sa BOC ng China ang tinanggap nilang impormasyon kaugnay sa nasabing shipment na idineklarang roller ball na ginagamit sa mga printing shops.

Nadiskubre ang kilu-kilong droga matapos na suriin ng mga ahente ng customs ang limang kapsulang bakal kung saan nakasiksik ang nakaplastic na mga droga.

Facebook Comments