Kondisyon ni Manny Pacquiao para sa laban nito kontra kay unbeaten Australian Jeff Horn, bumubuti

84

Manila, Philippines – Mas kontento si Coach Freddie Roach sa naging sparring session ni Manny Pacquiao sa dalawang pinoy.

Ayon kay Pacquiao, bumubuti ang kanyang kondisyon sa bawat ensayo bilang paghahanda niya sa laban kay sa unbeaten australian na si Jeff Horn sa Hulyo a-dos.


Kasabay nito, tiniyak ni Roach na titimbangin nila ang physical fitness ni Pacman kung kailangan nitong magpahinga matapos ang mga intensibong ensayo.

Sinabi naman ni Pacman na nagugustuhan niya ang kaniyang mga improvement sa bawat ensayo.

Samantala, plano naman ng kampo ng pambansang kamao na ilipat sa General Santos ang training ni Pacman kasabay ng break ng senado.
DZXL558

Facebook Comments