Abot na sa mahigit limang milyong pisong halaga ng relief assistance ang naipalabas ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Tisoy.
Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, nasa 20,876 na indibidwal sa region 3,5,8 ang nabigyan ng relief assistance.
Mula sa naturang bilang, 5,054 na pamilya o 20,876 katao ang apektado sa Camarines Norte, Camarines Sur, at Masbate.
Abot naman sa 3,736 na pamilya o 14,213 katao ang binigyan ng ayuda sa MIMAROPA Region.
Maliban sa mga family food packs, nakapagpamahagi ang DSWD ng family kits, hygiene kits at sleeping kits.
Patuloy ang koordinasyon ng ahensya sa mga LGUs para sa mga status reports at pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Facebook Comments