Mahigit P6-M tulong pinansiyal, ipinaabot ng DepEd sa paaralan na lubhang naapektuhan noon ng Bagyong Odette sa Palawan

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na namahagi ng financial assistance sa pamamagitan ng Disaster Risk Reduction and Management Service at psychosocial interventions sa Schools Division Office ng Palawan na lubhang naapektuhan noon ng Bagyong Odette.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones noong Pebrero 15, ang kagawaran ay namahagi ng P6.5 milyong pondo bilang tugon ng agarang tulong sa mga paaralan na lubhang nasira noon dulot ng Bagyong Odette.

Paliwanag ng kalihim, agad nilang binigyan ng suporta ang mga paaralan at opisina sa Palawan na lubhang tinamaan ng Bagyong Odette noon sa probinsya ng MIMAROPA region, batay na rin sa pahayag ng Rapid Assessment of Damages Report (RADaR) kung saan tinitiyak ng DepEd na ang lahat ng mga paaralan at mag-aaral ay maibabalik na sa normal sa lalong madaling panahon.


Facebook Comments