CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng marijuana eradication ang mga operatiba ng PNP Kalinga kung saan ay sinunog nila ang mahigit-kumulang na 300 square meters fully grown marijuana plants.
Ayon sa ulat ng kapulisan, nadiskubre nila ang nasabing taniman ng marijuana na nagkakahalaga ng P600K sa isang communal forest sa nabanggit na bayan kung saan ay walang nahuling cultivator.
Sinunog ng mga awtoridad ang marijuana plantation habang ang iba ay dinala sa Provincial Forensic Unit- Kalinga para sa pagsasagawa ng qualitative test.
Ang operasyon ay naging matagumpay dahil sa pinagsanib na pwersa ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC), Tinglayan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit-Kalinga Police Provincial Office (PDEU- KPPO) , PDEA- Kalinga, at Revitalized- Pulis sa Barangay Team (R-PSB).