Mahigit P63 million na mandatory contributions, ipinasakamay ng PCSO sa mga partner institution at LGU

Mismong ipinasakamay ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chair and General Manager Royina Garma ang mga tseke na nagkakahalaga ng mahigit P63-M na mandatory contributions sa partner institutions at Local Government Units (LGUs).

Mahigit 20-M na mandatory contributions ang nai-turn over sa anim na partner institutions.

Ang Commission on Higher Education (CHED) ang nakatanggap ng malaking bahagi ng mandatory contributions na nagkakahalaga ng P16,886,380. Sinusundan ito ng National Bureau of Investigation (NBI), P3,436,317.


Kabilang din sa mga partner institution na recipients ng mandatory contributions ay ang Philippine Sports Commission (PSC), 66,876, Philippine Red Cross (PRC), Nutrition Foundation of the Philippines, 87,673,.31.

Mahigit P43-M naman ang naibigay sa 19 na LGUs.

Mula sa mga ito, ang Quezon City ang may pinakamalaking natanggap na halaga na abot sa P10,758,052. Sinusundan ito ng lungsod ng Maynila na may P6,358,815.

Ayon kay GM Garma, sa kabila ng nararanasang pandemya, tuloy-tuloy ang paghahatid ng PCSO ng financial commitments hindi lamang sa mga indibidwal at charity funds na nangangailangan kundi maging sa government institutions.

Facebook Comments