Mahigit P7-M halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Cainta, Rizal

Kalaboso ang tatlong hinihinalaang drug pusher matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa D.B. Soliven 2 Avenue, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Kinilala ang mga suspek na sina James Becensio Conco alyas Macoy, 21 anyos, Dianna Baliador Antonio, 19 anyos at Richard Madarang Arellano, 43 anyos na pawang mga residente ng Marikina City.

Napag-alaman na nakabili ng shabu ang isa sa mga operatiba ng Cainta, Rizal ng 100 gramo sa mga suspek sa D.B Soliven 2 Avenue, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.


 

Bukod sa nabiling 100 gramo ng shabu, nakumpiska rin sa mga suspek isang kulay berde na foil pack na may markang “Taguan Yin” na naglalaman ng 1 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang may market value na P7.6 million, isang digital weighing scale at mark money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa tatlong mga suspek.

Facebook Comments