Mahigit P70M tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha sa ilang rehiyon sa bansa bunsod nang naranasang sama ng panahon

Umaabot na sa kabuuang P74.2M ang tulong na naibigay ng pakahalaan sa mga kababayan nating naapektuhan ng sama ng panahon bunsod ng pinagsamang low pressure area, northeast monsoon at shearline.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang ayuda ay ipinagkaloob sa mga apektadong residente sa Regions 2, 3, MIMAROPA, CALABARZON, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.

Kabilang sa mga naipamahaging tulong ay ang family food packs, assorted goods, collapsible water container, hot meals, jerry cans, mga gamot, bitamina, hygiene kits at maraming iba pa.


Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, nasa kabuuang 347, 105 na pamilya o katumbas ng mahigit 1.3M mga indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahom mula sa 1,930 barangay sa mga nabanggit na rehiyon.

Facebook Comments