Mahigit P8 Milyong Halaga ng Taniman ng Marijuana, Sinira sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit (PIU/DEU/POMU) – KPPO, Tinglayan MPS, 2nd KPMFC, RID, RIU-14 PRO-COR, at PDEA Kalinga ang plantasyon ng Marijuana sa kabila ng kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon sa ulat, nadiskubre ng Tinglayan Police Station ang plantasyon sa bahagi ng Tulgao West kung saan tinatayang limang (5) magkakalapit na lugar ang kanilang nagawang sirain na taniman ng marijuana.

Sa loob ng 3 araw, nagresulta ng pagsira ang tinatayang nasa 43, 850 na tanim na marijuana na sakop ng 2,250 metro at nagkakahalaga ng P8,770,000.00 subalit walang naaresto na nasa likod ng nasabing taniman.


Tiniyak naman ng pulisya na magtutuloy-tuloy ang kampanya upang tuluyan ng mawala ang nasabing taniman ng iligal na marijuana sa Lalawigan ng Kalinga.

Facebook Comments