Mahigit P85-M halaga ngrelief goods, naipamahagi na sa mga apektado ng Bagyong Ulysses

Aabot na sa mahigit P85 milyong halaga ng relief goods ang naipamahagi sa mga apektado ng Bagyong Ulysses sa ilang rehiyon sa bansa.

Sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit P60 milyong halaga na naitulong sa mga apektado ay nanggaling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mahigit P22 milyon naman ang nanggaling sa mga Local Government Unit (LGU).

Habang mahigit 64,000 ng mga relief goods nagmula sa Non-Government Organization at mahigit P2 milyon ay nanggaling sa mga private partners sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, Region 5 at Cordillera Administrative Region (CAR).


Sa kasalukuyan, mahigit 835,000 families o katumbas ng mahigit 3 milyong indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Ulysses na patuloy na binibigyan ayuda ng pamahalaan.

Facebook Comments