MANILA – Matatanggap na ng mga guro ang inaabangan nilang Special Hardship Allowance (SHA) mula sa Department of Education (DepEd).Matapos itong aprubahan ni DepEd Sec. Leonor Briones ang pagpapalabas ng pondo para punan ang kakulangan sa mga regional offices nito noong 2016.Ang nasabing pondo ay para sa mahigit na 14 na libong recipient schools na ang mga guro ay nakatalaga sa “hardship posts and multi- grade classes” at mahigit na 2,000 school districts at community learning center na may “mobile at alternative learning system teachers”.Una nang humingi ang DepEd ng 977 million pesos para sa SHA noong nakaraang Nobyembre mula sa Department of Budget na nagpalabas naman ng special allotment release order noong Disyembre.Kabilang sa mga makakatanggap ng sha ay ang mga multigrade, mobile, at als teachers mula sa regions 1, 2, 3, 4-a, 4-b, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, Cordillera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR).
Mahigit P900 Milyong Pondo Para Special Hardship Allowance Ng Mga Guro – Ilalabas Na Ng Department Of Education
Facebook Comments