Mahigit sa 90 libong mag-aaral, inaasahan papasok sa Butuan City

Butuan City, Philippines – Inaasahan na aabot sa mahigit siyamnapong libong (90k) mag-aaral mula kindergarten hanggang elementarya at high school ang papasok sa nitong pagbukas sa klase sa school year 2017 – 2018 sa Butuan City.

Ito ang pinaghandaan ng mga paaralan sa ilalim ng Butuan City Schools Division.

Ayon kay City Schools Division Superintendent Arsenio Cornites, inatasan na niya ang mga school principals at school heads na ilista lahat ang mga pangalan ng mga transferees para mahanapan ng paraan ngayong araw kung saang classroom ilalagay.


Sinasabing sa ngayon patuloy pa ang construction sa mga karagdagang classrooms kaya iilan sa mga paaralan dito sa Butuan nagpapatupad na lamang aniya ng shifting sa mga klase para may magamit na silid-aralan tulad ng Butuan City School of Arts and Trades (BCSAT).
DZXL558

Facebook Comments