Traffic investigator na naaresto dahil sa pangungotong, iniharap sa media

Manila, Philippines – Iniharap sa media ni QCPD District Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang traffic investigator na naaresto dahil sa pangungotong sa ginawang entrapment operation ng QCPD-District Special Operation Unit.

Kinilala ang suspek na si PO3 Fernando Tanghay, 47 anyos, nakatalaga sa Sector 3 District Traffic Enforcement Unit ng QCPD.

Ayon kay Eleazar Dumulog, sumuko sa DTEU Sector 3 kahapon ng gabi si Elmie Mones dahil sa vehicular accident na kinasangkutan ng kanyang Mitsubishi Adventure sa kahabaan ng CP Garcia Brgy. UP Campus QC.


Lumapit umano si PO3 Tanghay at nag-alok ng tulong sa complainant kapalit ng hinihingi nitong pitong libong piso.

Lingid sa kaalaman ni PO3 Tanghay, lumapit sa DSOU si Mones at ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa naturang traffic enforcers.
DZXL558

Facebook Comments