Mahigit sampung bahay ng mga katutubo sinunug ng mga armado kanina sa Datu Hoffer

Mahigit sampung bahay ng mga katutubo ang sinusug ng mga armadong kalalakihan sa sitio Macon barangay Limpongo Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao.
Batay sa impormasyon ipinarating sa RMN Cotabato ni Jovel Tenorio residente ng Mt.Feris ng nasabing bayan at isa sa bakwit, bandang alas nueve kaninag umaga ng dumating umano ang armadong kalalakihan sa inabandonang bahay ng mga katutubong Teduray sa lugar at doon ay inumpisahan silaban ang mga bahay,
Mahigit umano sa sampung bahay ang nasunog habang mabilis namang umaksyun ang kasundaluhan sa area at agad na nagpakawala ng ilang round ng 105 howitzer sa position ng mga armado.
Tanaw ng mga residente ang nasusunog nilang bahay dahil silay nasa katabing sitio lamang sa Sitio Bagong sa Mt.Feriz…Nanawagan ang mga katutubo sa pamahalaan na tulungan silang maitaboy ang mga rebelde dahil tensionado parin ang nasabing lugar.
Samantala nagpasalamat naman ang mga bakwit sa lugar dahil silay binigyan ng relief goods ng provincial government ng Maguindanao.

Facebook Comments