Mapipirmahan sa gagawing dalawang araw na state visit sa China ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mahigit sampung bilateral agreements.
Sa departure statement ng pangulo sa Villamor Air Base kanina, sinabi nitong ang malalagdaan na mga bilateral agreement ay karagdagan lamang sa mahigit 100 kasunduan sa pagitan ng China at Pilipinas.
Samantala, makikipagpulong din ang pangulo sa gagawing pagbisita sa China sa mga private sector representative para sa pagpapatuloy sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
Sa mensahe pa ng pangulo sa departure ceremony, sinabi nitong ipagpapatuloy ang mga prayoridad ng gobyerno partikular ang pagtiyak sa food security, sapat at maayos na enerhiya maging mga programa para mapanatili ang digital economy.
Facebook Comments