Mahigit sampung libong government employees sa buong bansa, nag-positibo sa COVID-19 ayon sa CSC

Pumalo na sa 10,344 ang bilang ng mga government employees ang nag-positibo sa COVID-19 habang 14,696 naman ang bilang ng may suspected cases sa buong bansa.

Base sa inilabas na consolidated report ng Civil Service Commission (CSC) tungkol sa COVID- 19 cases hanggang ngayong araw, pinakamaraming naitalang positive cases ay mula sa National Capital Region (NCR) na may 7,472 ang bilang at sinundan ng Region 7 na may 1,226.

Naitala rin ang 404 positive COVID cases sa Region 4 at 290 sa region 3.


Ayon kay CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada, lahat ng rehiyon ay may positive cases ng COVID-19 maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samanantala, pinakamaraming suspected COVID cases ay naitala din sa NCR na abot sa 10,005, 1,660 sa Region 4, 899 sa Region 1 at 620 sa Region 12, habang wala pa ring suspected cases sa Region 9 at BARMM.

Sa hanay ng Philippine Coast Guard (PCG), 676 ng mga tauhan nito ang nag-positibo sa COVID-19 at 530 na ang gumaling.

Pinakamaraming government agencies na isinailalim sa lockdown ay sa Metro Manila na abot sa 108; 16 sa Region 4 at 11 sa Region 7.

Facebook Comments