Mahigit tatlong daan, nahuli sa unang araw na implementasyon ng anti-jay walking ordinance sa Bacolod

Bacolod, Philippines – Umabot sa tatlong daan at tatlumpung katao ang nahuli sa unang araw na pagpapatupad ng anti-jay walking ordinance sa Bacolod City.

Ayon kay Bacolod Traffic Authority Office – BTAO Head P/supt. Luicito Acebuche na 14 sa nahuli ang sumailalim sa community service dahil wala itong pera na pambayad sa penalty.

Sinabi nito na karamihan sa mga nag community service ay hindi taga-Bacolod at nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Negros Occidental.


Ngunit, kahit pa na sinabi ng mga nahuli na hindi nila alam ang naturang policy sa anti-jay walking, ayon kay Acebuche na walang exemption kung lumabag ang mga ito sa naturang ordinance.

Facebook Comments