MAHIGIT TATLONG MILYONG HALAGA NGKAGAMITAN SA PAGSASAKA AT PANGINGISDA MULA SA DA R1, MATAGUMPAY NA NAIPASAKAMAYSA MGA GRUPO SA URBIZTONDO

Naipasakamay na ng Department of Agriculture Region I ang mga makinarya at kagamitan sa pagsasaka at pangingisda sa mga grupo sa bayan ng Urbiztondo.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng bayan ang turn-over ceremony katuwang ang DA sa mga kabilang sa Farmers and Fisheries Association Inc. ng Brgy. Bayaoas kung saan ilan sa mga natanggap nilang kagamitan ay ang four-wheel drive tractor at tatlong pump and engine set na nagkakahalaga ng kabuuang P3.637M.
Nagmula ang naturang tulong sa ilalim ng Corn Program ng Department of Agriculture Region I.

Dahil sa natanggap nilang mga makinarya, nagpasalamat ang LGU Urbiztondo sa mga kinatawan ng ahensya dahil sa walang sawang suporta sa mga magsasaka at mangingisda sa bayan.
Magagamit ng mga benepisyaryo ang mga kagamitang ito upang mas mapaunlad pa nila ang kanilang mga pinagkakaabalahan partikular na sa kanilang pagsasaka at pangingisda. |ifmnews
Facebook Comments