ILANG MGA MALILIIT NA NEGOSYO NA APEKTADO NG ROAD PROJECTS SA LUNGSOD NG DAGUPAN, PANSAMANTALANG ITINIGIL MUNA

Pansamantalang tigil muna sa pagtitinda ang ilan sa mga may maliliit na negosyo partikular sa bahagi kung saan kasalukuyang nagaganap ang konstruksyon ng Road project sa Dagupan City.
Matatandaan na nagpapatuloy ang nasabing proyekto sa ngayon sa kahabaan pa ng AB Fernandez Ave. at Arellano St.
Ilang mga local vendors, tigil muna dahil sa kasalukuyan ay wala rin umano silang nakikitang malilipatan pa person hindi rin daw umano basta basta makakahanap ang mga ito ng panibagong pwesto lalo na at matagal na nagtinda ang mga ito sa dating kinalalagyan bago pa maumpisahan ang proyekto.

Ang iba na maaabot pa lamang ng konstruksyon nito ay ikinababahala rin kung ano umano ang kanilang susunod na hakbangin kung tuluyan na hanggang downtown ang isinasagawang kalsada.
Samantala, sarado na rin ang ilan pang establisyimento dahil sa taas umano ng lebel ng kalsadahang ginagawa ngayon at apektado na umano ang kanilang negosyo. |ifmnews
Facebook Comments