Mahigit tatlong milyong mga indigent seniors, nakatanggap ng social pension noong December 2020 ayon sa DSWD

Mahigit tatlong milyong mga lubhang mahihirap na nakatatanda ang nakatanggap ng kanilang social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong December 2020.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nakapagpalabas na sila ng abot sa ₱9 billion para sa social pension sa mga indigent elderly.

Layon nito na magkaroon ng dagdag na gastusin ang mga mahihirap na nakatatanda sa pang-araw-araw na pangangailangan at sa pambili ng gamot.


Ito ay katumbas ng ₱500 na monthly cash subsidy na ibinibigay sa pamamagitan ng semestral basis.

Facebook Comments