Mahigit tatlumpung tsuper ng mga pampublikong sasakyan, hinuli ng MMDA sa Baclaran dahil sa iligal na pagsakay

Manila, Philippines – Tatlumpu’t tatlong mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan ang hinuli MMDA sa Baclaran, Parañaque dahil sa paglabag sa batas trapiko tulad ng iligal na pagsakay ng mga pasahero.

Ito ay kinabibilangan ng tatlumput limang mga pampublikong jeep, tatlong bus at limang taxi.

Samantala, patuloy din ang paglilinis ng MMDA sa mga illegal parking sa Bacralan at Edsa Extension sa Pasay City.


Patuloy din ang clearing operations ng ahensya sa mga vendors na nakakaharang sa mga daanan sa Baclaran na siya ring nagdudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Facebook Comments